Suns, tinalo ng Lakers at Heat tinambakan ng Bucks
LOS ANGELES, United States (AFP) – Naka-score ng 34 points at 11 rebounds si Anthony Davis, at si LeBron James ay nakagawa naman ng 21 points at 9 assists, nang talunin ng Los Angeles Lakers ang Phoenix Suns, 109-95 sa isang mainit na Western Conference playoff game.
Sa opening round pa lamang ng playoffs, ay nakakuha na ang Lakers ng 2-1 series lead.
Nag-ambag naman ng 20 points at 4 assists si Dennis Schroder, na sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2013 ay nag-host ng isang playoff game sa Staples Center.
Ang playoffs ay dinaluhan ng limitadong 7,800 fans.
Ayon kay James . . . “It’s a beautiful thing. It was a special night, and we just tried to reward our fans for the loyalty they have for us, and just try to play the game the right way.”
Ang laro ay naging pisikal sa mga huling sandali, nang palabaain ang Suns star na si Devin Booker dahil sa pagtulak may Schroder nang 35 segundo na lamang ang nalalabi.
Pinalabas din si Jae Crowder ng Suns dahil sa pakikipagtalo kay Schroder.
Ayon kay Davis . . . “That’s a dirty play. Dennis could have got really hurt like that…That can’t happen. Hard fouls we accept…but to blatantly push a guy with two hands out of the air, that’s a scary play.”
Si Deandre Ayton ay naka-score ng team-high 22 points, si Booker ay nagdagdag ng 19 points at nag-ambag naman ng 15 points si Cameron Payne para sa Suns. Hindi nakapaglaro ang guard na si Chris Paul dahil sa problema sa kaniyang balikat.
Samantala, natapos si Giannis Antetokounmpo sa 17 points at 17 rebounds nang makuha ng Milwaukee Bucks ang 3-0 lead sa kanilang first-round playoff series kung saan tinambakani nila ang Miami Heat sa score na 113-84.
Ang two-time NBA Most Valuable Player na si Antetokounmpo at Khris Middleton ang gumawa ng opensiba para sa Bucks sa naturang serye, subalit nakakuha rin sila ng suporta sa kanilang team dahil anim na Milwaukee players ang nakagawa ng double figures.
Si Middleton ay naka-score ng 22 points, Jrue Holiday ay 19 points at 12 assists, at si Brook Lopez ay nag-ambag ng 13 points para sa Bucks.
Maaaring tapusin ng Milwaukee ang best-of-seven series sa pamamagitan ng panalo sa game four sa Sabado sa Miami.
Sa kabilang dako, gumawa ng 19 points si Jimmy Butler at 17 points naman si Bam Adebayo para sa Heat, na nawalan ng average na higit 30 points sa nakalipas na dalawang laro.
Tila determinado ang Milwaukee na burahin sa memorya ang lagi nilang pagkatalo sa Heat sa dalawang naunang playoff meetings noong 2013 at 2020.
Tinalo rin ng Denver Nuggets ang Portland Trailblazers sa score na 120-115 para makuha ang 2-1 series lead.
@ Agence France-Presse