‘Super Garuda Shield’ military exercise sinimulan na ng Indonesia at US
Sinimulan na ngayong Lunes ng libu-libong Indonesian at American troops ang dalawang linggong joint military exercise sa Washington, na anila’y naglalayong palakasin ang “regional cooperation bilang suporta sa isang free and open” Asia-Pacific region.
Ang US at ang mga kaalyado nito sa Asya ay nagpahayag ng lumalaking pangamba tungkol sa “increasing assertiveness” ng China sa Pasipiko, ngunit sinabi ng Washington na ang mga pagsasanay ay hindi nakatutok sa anumang bansa kahit na ang mga ito ay magiging mas malaki kaysa sa mga nakaraang pagsasanay.
Hindi bababa sa 4,000 US at Indonesian soldiers ay sasamahan ng mga puwersa mula Australia at Singapore — maging mula sa Japan, na lalahok sa unang pagkakataon sa annual drills, na kilala sa tawag na “Super Garuda Shield”.
Ang pagsasanay ay gaganapin sa western Indonesian island ng Sumatra at sa Riau islands, isang Indonesian province ng mga islang nakakalat malapit sa Singapore at Malaysia.
Sinabi ni Major General Stephen Smith, commander ng kalahok na US Troops . . . “This is really an exercise to build trust, build togetherness, mutual understanding, increase capability and other related matters. So this is really a military exercise and not a threat to any party.”
Ang ehersisyo ay magaganap habang naghahanda si US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi, na pangunahan ang isang congressional delegation sa rehiyon sa anino ng diplomatic tensions sa China.
Subalit hindi binanggit ng kaniyang tanggapan kung bibisita siya sa Taiwan, isang flashpoint sa pag-uusap sa pagitan ng Beijing at Washington bago ang biyahe, na inaasahang magsisimula ngayong Lunes.
Si US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping ay nagkaroon ng isang tensiyonadong pag-uusap sa telepono noong Huwebes, kung saan nagkasundo silang itakda ang una nilang “in-person” summit, ngunit nagbabala si Xi tungkol sa Taiwan.
Ang pagsasanay na tatagal hanggang August 14 ay kapapalooban ng army, navy, air force at marine drills.
Isang opening ceremony kasama ng lahat ng bansang kalahok sa Miyerkoles, ayon sa isang Indonesian official.
Lalahok naman bilang observer nationas ang Canada, France, India, Malaysia, South Korea, Papua New Guinea, East Timor, at Britain.
© Agence France-Presse