‘Super Mario’ movie, dalawang linggo nang nangunguna sa box office
Namalagi ang pangunguna ng “The Super Mario Bros. Movie” sa North American box office sa loob ng dalawang sunod na linggo.
Ang pinagsanib puwersang proyekto ng Universal, Nintendo at Illumination studios ay kumita ng $87 million sa Friday – Sunday period, kaya ang kabuuang kinita na nito ay higit sa $347 million.
Una nang hinulaan ng industry watcher na Exhibitor Relations, na ang “Super Mario” – na may pundasyon na bilang isa sa pinakasikat na video games sa lahat ng panahon – ang magiging top movie ng taon.
Malayo naman ang agwat ng pumapangalawang “The Pope’s Exorcist,” ng Sony at pinagbibidahan ni Russell Crowe, na kumita ng $9.1 million.
Sinabi ng analyst na si David Gross, “This is a solid opening for a modestly-budgeted original horror film.”
Nasa ikatlong puwesto naman ang neo-noir ng Lionsgate na “John Wick: Chapter 4,” na kumita ng $7.9 million, kaya ang kabuuang kinita ng apat na linggong pagpapalabas nito sa North America ay umabot na sa $160 million. Pinagbibidahan ito ni Keanu Reeves.
Ang horror-comedy na “Renfield,” mula sa Universal, ay kumita ng $7.7 million sa opening weekend nito at nasa ika-apat na puwesto, habang pasok naman sa No. 5 spot ang “Air” ng Amazon Studios, isang sports drama tungkol sa business deal ng Nike at ng Michael Jordan basketball shoe nagbigay ng titulo sa pangalan nito, na kumita rin ng $7.7 million.
Narito naman ang bubuo sa top 10 spots:
“Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” ($7.3 million) – No. 6
“Suzume” ($5 million) – No. 7
“Mafia Mamma” ($2 million) – No. 8
“Scream VI” ($1.4 million) – No. 9
“Nefarious” ($1.3 million) – No. 10
© Agence France-Presse