Superhero fatigue, hindi aplikable sa ikatlong franchise ng ‘Guardians of the Galaxy’
Sa kabila ng mga sinasabing ‘superhero fatigue’ ng moviegoers, ang “Guardians of the Galaxy Vol. 3” ng Marvel ay tinatayang kumita ng $114 million sa opening nito sa mga sinehan sa North America.
Ang tinatayang kabuuan, bagama’t higit na mababa kaysa opening ng “Doctor Strange and the Multiverse of Madness” na kumita ng $187 million, ay “excellent opening” pa rin para sa isang Marvel episode 3 sequel ayon sa isang analyst na sinabi pang “this is strong business.”
Ang pinakabagong kakaibang kuwento ng intergalactic mercenaries, na muling pinagbibidahan nina Chris Pratt, Zoe Saldana, Dave Bautista, Bradley Cooper at Vin Diesel, ay may misyon sa pagkakataong ito upang iligtas ang kasamahan nilang si Rocket Raccoon mula sa isang scientist na desididong kunin ang kaniyang utak.
Napataob ng “Guardians” ang “The Super Mario Bros. Movie” ng Universal na pinagbibidahan din ni Chriss Pratt, mula sa pangunguna nito sa loob ng limang linggo. Ang video game-based film, na kumita na ng higit bilyong dolyar sa buong mundo, ay kumita ng $18.6 million para sa Friday-through-Sunday period.
Bumagsak naman sa ikatlong puwesto ang blood-soaked horror film ng Warner Bros. na “Evil Dead Rise” pagkatapos kumita ng $5.7 million. Pinagbibidahan ito ng magkapatid na babae na ginampanan nina Lily Sullivan at Alyssa Sutherland.
Nasa No. 4 spot na ngayon mula sa dating No. 3 spot ang Lionsgate comedy-drama na “Are You There God? It’s Me, Margaret,” na kumita ng $3.4 million. Bida rito si Abby Ryder Fortson bilang ang sixth-grader na si Margaret Simon.
Pang-lima ang bagong Sony romantic-comedy na “Love Again,” na kumita ng $2.4 million. Tampok dito si Chopra Jonas na gumaganap sa papel ng isang may kabataang babae na sinusubukang makaagapay sa pagkamatay ng kaniyang mapapangasawa na sana at tinutulungan naman siya ng isang journalist na unti-unti niya ring magiging love interest na si Rob Burns, na ginagampanan si Sam Heughan. Gagampanan naman ni Celine Dion ang kaniyang sarili.
Narito naman ang bubuo sa top 10:
No. 6 – “John Wick: Chapter 4” ($2.4 million)
No. 7 – “Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” ($1.5 million)
No. 8 – “Air” ($1.4 million)
No. 9 – “Guy Ritchie’s The Covenant” ($1.2 million)
No. 10 – “Sisu” ($1.1 million)
© Agence France-Presse