Supplemental budget para sa ayuda sa mga naapektuhan ng Dengvaxia, ipinamamadali sa Senado

Pinamamadali ni Senador Sherwin Gatchalian ang supplemental budget na gagamitin sa pagtulong sa mahigit 800 libong mga bata na binakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Gatchalian, tama ang payo ni Blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon kay Health secretary Francisco Duque III na madaliin ang request para sa supplemental budget.

Ayon kay Gatchalian, kailangang maaprubahan na ng Kongreso ang nabanggit na pondo bago mag-adourn ang kanilang session sa Marso 23.

Ang naturang budget ay maaring kunin sa nakalagak ngayon sa National Treasury na 1.16 bilyong piso na isinauli ng Sanofi Pasteur para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vials.

Matutugunan ng nasabing pondo ang inihayag ni Secretary Duque sa pagdinig ng Senado na kailangan ng 325 milyong pisong pambili ng
Medical kits na ipapamahagi sa mga naturukan ng Dengvaxia.

Ang nabanggit na medical kits ay maglalaman ng insect repellent, sabon, gamot sa lagnat, multi-vitamins at thermometer.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *