Supplemental funds para sa ASF at bird flu vaccine, isinulong sa Senado
Isinulong ni Senador Cynthia Villar na magpasa ng supplemental funds para tustusan ang bakuna laban da African Swine Fever (ASF) at bird flu.
Kasunod ito ng pahayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na walang pondo ang ahensya para tustusan ang bakuna lalo na sa hog industry.
Sinabi ng mambabatas na layon ng panukala na magamit ang pondo ng Department of Agriculture (DA) para bigyan ng subsidy ang mga hog farmer.
Layon aniya na mabigyan sila ng ayuda ng gobyerno para sa bakuna at makabawi na rin sa epekto ng ASF.
Dagdag pa ni Villar hindi kakayanin lalo na ng backyard farmers na bumili ng bakuna para sa mga alagang baboy na nagkakahalaga ng mula P400 hanggang P600.
Kung matustusan man ang pagbili ng bakuna, sinabi ng mambabatad na maaaring ipadala lang ito sa mga consumer kaya inaasahang lalo pang tataas ang presyo ng kada kilo ng baboy.
Iminungkahi din ng Senador na isama ng DA sa binabalangkas na panukalang budget ang para sa bakuna kontra ASF at bird flu para sa susunod na taon.
Sa Agosto inaasahang maisusumite ng Malacañang sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang proposed 2024 National budget.
Meanne Corvera