Supporters ni VP Robredo naghain ng MR sa SC para tanggapin ang kanilang kontribusyon para sa counter-protest fee nito
Naghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ang mga tagasuporta ni Vice -President Leni Robredo para tanggapin ang kanilang kontribusyon sa bayad ni Robredo sa counter-protest fee nito.
Hindi pa nababayaran ni Robredo ang ikalawang installment ng protest fee niya na nagkakahalaga ng 7.4 million pesos.
Umapela muli sa PET ang mga supporters ni Robredo matapos ibasura ang kanilang petisyon na makapag-contribute sa babayaran ng bise presidente.
Ayon sa grupong Piso Para Kay Leni Movement ,hindi pinagbabawalan sa PET Rules ang pagbabayad ng direkta ng mga botante.
Mayroon silang legal standing sa poll protest dahil sila ay tax payers at rehistradong botante.
Katwiran pa ng mga petitioners ibinasura ng PET ang kanilang petisyon nang walang maliwanag na batayan.
Ayon sa grupo, nakalikom na sila ng halos 7 milyong piso mula sa 25,000 na mga pinoy mula nang simulan ang inisyatibo para tulungan si Robredo.
Ulat ni: Moira Encina