Supreme Court Justice Lucas Bersamin, tinanggap ang nominasyon sa pagka-Chief Justice

Tinanggap na ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin ang nominasyon sa kanya bilang Punong Mahistrado.

Ito ang kinumpirma ni JBC ex-officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra.

Si Bersamin ang isa sa limang pinaka senior na mahistrado ng Korte Suprema kaya otomatikong nominado siya sa posisyon ng Chief Justice.

Ang iba pang nominado sa pwesto ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Teresita de Castro at Presbitero Velasco Jr.

Otomatikong nominado rin si Senior Associate Justice at acting Chief Justice Antonio Carpio pero tinanggihan na nito ang nominasyon sa isang liham sa JBC.

Sa ngayon ay si Bersamin pa lang ang tumanggap ng nominasyon para sa Chief Justice post.

Si Bersamin ay itinalaga sa Korte Suprema noong 2009 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago mahirang sa Supreme Court ay naging mahistrado si Bersamin ng Court of Appeals.

Isa si Bersamin sa mga bumoto pabor sa quo warranto petition na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *