Surprise drug test ikinasa ng PDEA sa mga driver ng isang bus terminal sa Cubao, QC

0
SURPEISE DRUG TEST

Nagkasa ng sorpresang drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, sa mga driver ng isang bus terminal sa Cubao Quezon City ngayong Biyernes, April 11, 2025.

Ito ay upang matiyak ang kahandaan ng mga driver ngayong papalapit ang long holiday break, at masiguro na nasa maayos ang mga ito bago magmaneho ng bus.

Kasabay din ito ng ginawang inspeksyon ng Metropolitan Manila Development Agency, Quezon City Traffic and Transport Management Department, at Quezon City Policer District para matiyak ang kaligtasan ng mga commuter na bibiyahe ngayong papalapit ang mahabang bakasyon sa iba’t ibang mga probinsya.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *