Survivors ng nursery shooting, bibisitahin ng hari ng Thailand
Bibisitahin ng hari ng Thailand ang survivors ng gun and knife attack sa isang nursery na ikinasawi ng hindi bababa sa 37 katao na karamihan ay mga bata.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng gobyerno, na makikipagkita si King Maha Vajiralongkorn at si Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, sa pamilya ng mga biktima ng trahedya sa northeastern Nong Bua Lam Phu province.
Ipinagluluksa ng Thailand ang itinuturing nilang isa sa “deadliest mass killings” na nangyari sa kanilang bansa, katunayan ay naka half-mast na ang mga bandila sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Sa nakalipas na magdamag ay dinala ng rescue workers ang bangkay ng mga biktima na kinabibilangan ng 23 bata sa isang morge sa Udon Thani, ang pinakamalapit na siyudad sa rural district na binulabog ng tatlong oras na killing spree.
Ayon sa mga pulis, armado ng isang 9mm pistol at isang kutsilyo, ang nasibak na dating police sergeant na si Panya Khamrab ay nagpaputok sa childcare center sa northeastern Nong Bua Lam Phu province, bandang alas-12:30 ng tanghali nitong Huwebes.
Kasunod nito, ay umalis ang 34-anyos na salarin lulan ng isang pickup truck upang umuwi at patayin ang kaniyang asawa at anak bago kinitil ang sariling buhay, natumapos sa killing spree bandang alas-3:00 ng hapon.
Kuwento naman ni Nanthicha Punchum, acting chief ng nursery building na nasa rural Na Klang district, “There were some staff eating lunch outside the nursery and the attacker parked his car and shot four of them dead. The shooter smashed down the door with his leg and then came inside and started slashing the children’s heads with a knife.”
Batay sa report ng local media, kabilang sa nasawi ang isang school teacher na walong buwang buntis, habang isang bata naman ang nakaligtas dahil natutulog ang mga ito at natatakpan ng blanket nang umatake ang salarin.
Sinabi ni National Police Chief Damrongsak Kittiprapat, na si Panya, ay nasuspinde noong Enero at sinibak noong Hunyo dahil sa paggamit ng droga.
Ayon kay Kittiprapat, nakatakdang litisin sa korte si Panya kaugnay ng kaniyang drug charge at ito aniya ay nasa “manic state” ngunit hindi pa matiyak kung may kaugnayan iyon sa droga.
© Agence France-Presse