Suspek sa hit-and-run incident na ikinasawi ng nurse na si Renz Jayson Perez, sumuko na
Sumuko na kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek sa hit-and-run incident na ikinasawi ng nurse na si Renz Jayson Perez.
Kinilala ang suspek na si Mohamad Ali Sulaiman na siyang nagmamaneho ng pick-up na nakabangga kay Perez.
Kasama ni Sulaiman na nagtungo sa tanggapan ni Mayor Isko ang kapatid nito na syang may ari naman ng sasakyan.
Si Perez ay sakay ng kanyang bisikleta ng mabangga ito ng sasakyang minamaneho ni Sulaiman sa bahagi ng Ermita sa Maynila.
Madz Moratillo
Please follow and like us: