Suspendido pa rin ang pasok sa mga korte sa NCR, Calabarzon at iba pang lugar ngayong Martes
Walang pasok pa rin sa mga korte sa National Capitol region (NCR) at Region IV- A o CALABARZON dahil sa masamang panahon dulot ng bagyo at habagat.
Batay ito sa abiso na inilabas ng Korte Suprema alinsunod sa executive order ng Palasyo.
Inabisuhan naman ang mga korte sa Metro Manila at CALABARZON na dapat accessible ito sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers o email addresses.
Bukod sa mga nasabing hukuman, nag-anunsiyo rin ng suspensiyon ang mga korte sa Rosales, Balungao at Sta Maria sa Pangasinan.
Kanselado rin ang court operations sa Candon City, Ilocos Sur.
Moira Encina-Cruz
Please follow and like us: