Suspensyon sa pag-iisyu ng Commitment Orders sa mga bagong arestadong inmates sa ibat-ibang kulungan, pinalawig pa
Epektibo hanggang September 30 ang suspensyon ng mga Committment Orders para sa paglipat ng mga inmates sa ibat-ibang jail facilities.
Alinsunod sa sirkular na may lagda ni Court Administrator Jose Midas Marquez, pinalawig hanggang sa katapusan ng buwan ang suspensyon dahil sa patuloy na pagiral ng iba’t ibang uri ng community quarantine sa bansa bunsod ng Covid-19 Pandemic.
Partikular na pinalawig ang suspensyon ng paglalabas ng kautusan ng mga korte para ilipat ang mga bagong arestadong Persons Deprived of Liberty o PDLs sa mga jail units ng BJMP.
Ito ay maliban na lamang kung kaya ng local BJMP jail facilities na tumanggap ng mga bagong inmates.
Sakop din ng extension ang suspensyon ng committment orders na ilipat sa mga kulungan ng Bureau of Corrections ang mga convicted PDLs mula sa BJMP Jail facilities.
Moira Encina