Susunod na oral arguments sa Anti- Terror law petitions, isasagawa sa pamamagitan ng videoconferencing
Isasagawa sa pamamagitan ng videoconferencing ang pagpapatuloy ng oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa Anti- Terrorism Act.
Sa abiso na pirmado ni SC Clerk of Court Marife Lomibao- Cuevas, sinabi na ilalatag ang mga technical details at iba pang panuntunan sa videoconferenced oral arguments sa oras na mag-convene ang Supreme Court En Banc.
Magkakaroon naman ng live audio streaming ang oral arguments tulad sa mga nakaraan.
Naka-iskedyul ang susunod na oral arguments dalawang linggo pagkatapos na tanggalin sa ECQ ang Metro Manila na maaaring sa April 27, May 4 at May 11.
Ilang ulit nang ipinagpaliban ng Korte Suprema ang ikalimang araw ng oral arguments bilang pag-iingat sa COVID-19.
Moira Encina