Swiatek nahaharap sa ‘gangster threat,’ Djokovic nararamdamang kailangan ang bilis sa Wimbledon
Nakita na ni Swiatek ang lahat ng ‘all-comers’ sa kaniyang impresibong 21-match winning run, subalit ngayong Sabado ay makahaharap niya sa Wimbledon si Yulia Putintseva na may reputasyon na nagsasabog ng ‘lagim.’
Umaasa naman si Novak Djokovic, na target ang isang ‘record-equalling eighth men’s singles title,’ para sa mas maayos na laro sa kaniyang third-round match habang maglalaro naman ang dating champion na si Elena Rybakina sa wildcard kontra kay Caroline Wozniacki.
Tatlong match ang dapat bantayan sa ika-anim na araw ng All England Club. Ito ay ang kay Swiatek, Djokovic at Giovanni Mpetshi Perricard ng France.
Tila nagbababala si Iga Swiatek sa grass court sa Wimbledon, habang tinatarget ang ika-anim na Grand Slm crown.
Subalit maaaring humadlang sa kaniya si Yulia Putintseva, na naging world number one sa mga unang bahagi ng 2024, dahil sa mga naging aksyon niya sa Indian Wells.
Ang Russian-born ay na-tick off ng chair umpire dahil sa palipat-lipat ito sa magkabilang gilid ng court, habang naghahanda si Swiatek na mag-serve.
Si Putintseva, na inilarawan ang kaniyang sarili bilang isang “gangster on court and angel off it,” ay gumawa rin ng koleksiyon ng underarm serves.
Ayon kay Swiatek, “Maybe they teach that in Kazakhstan. I can only be responsible for what’s going on with me. I want to keep my standards high no matter what’s going on, and I think this match was a test for my mental training that I did.”
Mahihirapan ang sinuman na guluhin ang diskarte ni Swiatek sa Wimbledon, na matindi ang hangaring manalo sa grass-court tournament sa unang pagkakataon.
Novak Djokovic is chasing a record-equalling eighth men’s singles title / Ben Stansall / AFP
Hindi naman halos pinagpawisan si Novak Djokovic sa kaniyang opening match sa linggong ito, ngunit nagtrabaho nang husto sa kaniyang laban sa British rookie na si Jacob Fearnley.
Ilang linggo matapos ng isang operasyon sa tuhod, pakiramdam ng Serbian ay hindi pa siya lubos na handa para sa bilis ng Wimbledon.
Sinabi ni Djokovic matapos ang kaniyang panalo sa second round, “It’s not yet there where I want it to be. Kind of late on the balls that I’m normally not late on. That’s the part which I guess comes with matches. So the longer I stay in the tournament, I think the better the chances that my movement will improve.”
Sunod na makakaharap ng seven-time champion ay si Alexei Popyrin ng Australia, na kaniya nang tinalo sa four sets sa Australian Open sa mga unang bahagi ng taong ito.
Dahil sina Carlos Alcaraz at Jannik Sinner ay nasa kabilang side ng draw, nakikita na ni Djokovic ang malinaw na landas sa ika-anim niyang sunod na final sa All England Club.
Kapag umabot siya sa showpiece match sa July 14, magkakaroon siya ng pagkakataon na mapantayan ang record ni Roger Federer na walong men’s Wimbledon titles at siya rin ang magiging unang player, mapalalaki man o babae, na mananalo ng 25 slams.
Giovanni Mpetshi Perricard’s huge serve is a weapon at Wimbledon / Ben Stansall / AFP
Si Giovanni Mpetshi Perricard naman ay isang ‘hangover’ mula sa naunang panahon ng ‘big-serving giants.’
May pagkakataon na ang gaya nina John Isner, Ivo Karlovic at Kevin Anderson ay nakapaglaro sa grass court ng Wimbledon, kung saan tila inubos ng slower-playing courts sa All England Club ang lakas ng mega servers, subalit pananatilihin ni Mpetshi Perricard ang tradisyon.
Katunayan, ang 20-anyos, 2.03 metre (6 feet 8 inches) Frenchman, ang nangunguna sa ace count sa Wimbledon na mayroong 78.
Sinabi ng world number 58, na nakapasok lamang sa main draw bilang isang lucky loser mula sa qualifying, “I’m happy to have this serve which helps me enormously.”
Ngunit ayaw ng higanteng Frenchman, na makakaharap ni Emil Ruusuvuori ng Finland para sa puwesto sa last 16, na maging ‘pigeon-hole.’
Aniya, “When you’re tall, it helps but if you don’t have good technique, if you haven’t worked in training, if you haven’t spent hours and hours on the court, you’re not going to be able to serve many aces in a match.”