Swift Fever sa Latin America umiinit na – france 24
Labis na ang pananabik ng fans ni Taylor swift sa Latin America, na ilang buwan ding nagtiis na pumila at makabili ng mahal na tiket para lamang mapanood ang performance nito.
Dadalhin kasi ng 33-anyos na singer-songwriter, na siya ring may hawak sa women’s record para sa “most number one albums,” ang kaniyang “Eras” tour sa Latin America sa huwebes na magsisimula sa Mexico, na susundan ng Argentina at Brazil.
Ang tickets para sa show ni Taylor Swift sa Brazil ay nagkakahalaga ng nasa pagitan ng $35 at $468.
Habang sa Mexico, na ang average na suweldo ng mga kabataang nagtatrabaho ay $366 kada buwan ayon sa opisyal na data, ang tiket sa concert ni Swift ay nasa pagitan ng $55 at $614.
Ang Pre-sales naman para sa apat na concerts ni Swift sa Mexico City ay nakabase sa naunang registration ng “verified fans” sa pamamagitan ng email.
Mabilis ding naubos ang mga tiket sa Argentina, sa kabila ng kasalukuyang dinaranas na krisis pang-ekonomiya ng bansa.
Sa Rio de Janeiro, si Renan Rodrigues ay nag-camp ng ilang gabi para lamang makabili ng tiket para sa November 17-19 concerts ni Swift sa Nilton Santos stadium.
Ang 24-anyos na DJ na masuggid na tagahangan ng pop star ay bumili ng mga tiket para sa lahat ng tatlong performances ng singer.
Pero naging biktima siya ng assault habang naghihintay na makabili ng tiket, matapos siyang pukpukin ng bote sa ulo nang manlaban sa tangkang pagnanakaw sa kaniya.
Kuwento ni Rodrigues, “They wanted to take my cellphone, and inside the case was my card from the only bank authorized for ticket sales. I just thought: they won’t take my card.”
Inilarawan naman ni Ingrid Cruz, founder ng opisyal na Mexican fan club, na “abuso” ang mataas na halaga ng tiket at inireklamo na ipina-prioritize ang VIP packages kaysa regular tickets.
Nagreklamo rin ang fans sa mga problemang kanilang naranasan sa platform ng US retail giant na Ticketmaster.
Nago-operate ito sa Mexico bilang bahagi ng makapangyarihang CIE entertainment and media group, na siyang kumo-kontrol sa humigit-kumulang two-thirds ng local market para sa live shows.
Subali’t kahit si Joel Aguilar, creator ng Taylor Swift MX, isang fan site na mayroong nasa 20,000 followers mula sa 20 mga bansa, ay nabigong ma-qualify.
Sa Argentine capital na Buenos Aires, isang grupo ang nag-set up ng camp sa labas ng River stadium noong June, limang buwan bago ang concert, para makatiyak na makakukuha sila ng puwestong malapit sa stage.