Swimmer, nailigtas makaraan ang 36 na oras matapos matangay ng alon
Isang babaeng nag-swimming sa isang beach sa Japan na tinangay ng alon sa dagat, ang nailigtas may 80 kilometro (30 milya) mula sa baybayin makaraan ang 36 na oras.
Nagsagawa ng isang search and rescue operation ang local coast guard matapos makarating sa kanila ang tungkol sa isang Chinese national na nasa kaniyang 20s, sa central Shizuoka region.
Sinabi ng isang opisyal ng local Japan Coast Guard, “It was around 7:55 pm when we received the information after the woman’s friend reported to a nearby convenience store that she was missing.”
Ayon sa babae na hindi pinangalanan, hindi niya magawang makabalik sa pampang makaraang matangay sa dagat dahil sa lumalangoy niya gamit ang isang rubber ring.
Kalaunan ay naispatan siyang palutang-lutang ng isang cargo ship sa southern tip ng Boso peninsula sa Chiba.
Dalawang crew members ng isang mas maliit na tanker na nasa di-kalayuan na kinontak sa pamamagitan ng radyo, ang tumalon sa dagat upang sagipin ang babae.
Sinabi ng opisyal, “There are 80 kilometers in a straight line (between the beach and rescue spot)… but it is assumed she drifted for an even greater distance.”
Ang babae ay dinala sa ospital makaraang maiigtas, ngunit hindi na kinailangang i-admit, dahil malinaw naman ang pag-iisip nito at ang kaniyang dehaydration ay “life-threatening.”