Swiss, bumotong ipagbawal ang halos lahat ng advertising sa tabako
Ang Swiss ay bumoto nitong Linggo upang higpitan ang maluwag nilang mga batas sa tabako, sa pamamagitan ng pagbabawal sa halos lahat ng pag-advertise ng mga mapanganib na produkto.
Lumitaw sa final results, na halos 57 percent ng voters at 16 sa 26 na cantons ng Switzerland ang sumuporta sa halos “total tobacco advertising” ban.
Ayon kay Stefanie De Borba ng Swiss League against Cancer . . . “We are extremely happy. The people understood that health is more important than economic interests.”
Ang Switzerland ay nahuhuli sa karamihan ng mayayamang bansa sa paghihigpit sa pag-advertise sa tabako – isang sitwasyon na malawakang isinisisi sa malaking impluwensiya ng ilan sa mga pinakamalaking kumpanya ng tabako sa mundo na ang headquarter ay nasa Switzerland.
Sa kasalukuyan, ang karamihan sa advertising sa tabako ay legal sa national level, maliban sa telebisyon at radyo, at kapag partikular na tinatarget nito ang mga menor de edad.
May ilang mga Swiss canton na nag-introduce ng mas mahigpit na batas sa rehiyon at isang bagong pambansang batas ang nakabinbin, ngunit ang mga nangangampanya na ipinilit na pagbotohan ang isyu sa ilalim ng direct democracy system ng Switzerland ay humingi ng mas mahigpit na mga panuntunan.
Argumento ng mga kalaban ng inisyatiba, na kinabibilangan ng Swiss government at parliyamento, labis na ito.
Babala ni Philippe Bauer, isang parlamentarian sa right-wing Liberal Party . . . “Today we are talking about cigarettes, but we will soon be talking about alcohol and meat. This dictatorship of the politically correct, where everything has to be regulated”.
Ang concern na ito ay tulad ng inihayag ng Philip Morris International (PMI), ang pinakamalaking kumpanya ng tabako sa mundo, na, tulad ng British American Tobacco at Japan Tobacco, ay naka-headquarter sa Switzerland at tumulong na pondohan ang “No” campaign.
Ayon sa isang tagapagsalita ng PMI . . . “This is a slippery slope as far as individual freedom is concerned.”
Pinabulaanan niya ang resulta noong Linggo at hinikayat ang parliyamento na magpakita ng “moderation at measure” kapag binabalangkas na ang desisyon bilang batas.
Pinuri naman ni Jean-Paul Humair, pinuno ng isang Geneva addiction prevention centre, ang naging resulta noong Linggo, sa pagsasabing iyon ay “isang napakahalagang hakbang” sa pakikipaglaban sa paggamit ng tabako, at tahasang tinanggihan ang argumento ng industriya.
Aniya . . . “This is not a question of freedom… It is an illusion of freedom, tobacco use creates severe dependency.There is no other consumer product that kills half of all users.”
Sinasabi ng mga campaigner na ang mahinang mga batas sa advertising ay humadlang sa mga pagsisikap na bawasan ang mga rate ng paninigarilyo sa Switzerland na may 8.6 milyong katao, kung saan mahigit isang-kapat (1/4) ng mga nasa hustong gulang ang kumokonsumo ng mga produktong tabako. Mayroong humigit-kumulang 9,500 na pagkamatay na nauugnay sa tabako bawat taon.
Sinabi ni Pascal Diethelm, pinuno ng OxyRomandie tobacco control group, na ang boto noong Linggo ay dapat makatulong na magkaroon ng “change of paradigm” para sa federal authorities.
Aniya . . . “(They) have been accepting for too long that health prevention policy be put under the tutelage of big business.”
Ang industriya ng tabako ay nag-aambag ng humigit-kumulang anim na bilyong Swiss francs ($6.5 bilyon, 5.7 bilyong euros) sa ekonomiya taun-taon — isang porsyento ng kabuuang produkto ng Switzerland — at nagkakaloob ng may 11,500 trabaho.
Samantala, binigyang-diin ni Swiss Health Minister Alain Berset sa mga mamamahayag na maaaring matagal pa para magkabisa ang “near-ban.”
Ayon kay Berset . . . “It really does not seem possible that it could take effect this year.’
Ang mga bagong paghihigpit sa pag-advertise ng tabako ay maaaring maisip na mairagdag sa isang bagong batas sa tabako na dapat magkabisa sa susunod na taon, kung saan sa unang pagkakataon ay magtatakda ng pinakamababang edad sa buong bansa para sa pagbili ng mga produktong tabako.
Nearly 44 percent of eligible Swiss voters took part Sunday, which is not unusually low in a country where such popular votes are held every few months.
Halos 44 porsiyento ng eligible Swiss voters ang nakibahagi noong Linggo, na hindi gaanong mababa para sa isang bansa kung saan ang mga “popular votes” ay ginaganap kada ilang buwan.