Symbolic vaccination para sa Economic frontliners, isasagawa simula June 7
Sisimulan na sa June 7, 2021 ang pagbabakuna sa mga kabilang sa A4 priority group.
Ayon kay National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., ito ay mga Economic frontliner na nagtatrabaho sa labas ng kanilang tahanan, kasama ng mga empleyado ng gobyerno o public sector.
Ang mga economic at government workers aniya ay nasa higit-kumulang 12 milyon ang populasyon.
Inaasahan namang ang maisasagawa ang maramihang pagbabakuna sa nasabing grupo oras na dumating na ang bulto ng mga anti covid vaccine ngayong buwan at sa mga susunod pang buwan.
June 6 at June 11 ay inaasahan aniyang darating sa bansa ang nasa isang milyong doses ng Sinovac at nasa 2.2 milyong doses naman ng Pfizer ang inaasahang darating sa June 10 hanggang 11.
Target na unang mabakunahan ang A4 at A5 groups na nasa high-risk areas gaya ng National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Laguna, Cavite, Rizal gayundin ang Metro Cebu at Metro Davao.