Taal Volcano, nakapagtala ng 14 volcanic quakes
Nakapagtala ng labing apat na volcano earthquakes ang Taal volcano sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras.
Naitala rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang pagkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang steaming o fumarolic activity na may taas na10 meters.
Ang naturang aktibidad ng bulkan ay naitala sa bahagi ng main crater vents at fissure vents sa daang kastila trail.
Namamalagi naman ang alert level 1 sa taal volcano dahil hindi parin normal ang bulkan.
Muli namang ipinaalala ng PHIVOLCS na namamalaging mapanganib ang pagtungo malapit sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang steam – driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes at minor ash fall.