Taas-sweldo sa medical frontliners, isinulong sa Senado
Isinusulong sa Senado na itaas ang arawang sahod ng mga medical frontliners sa pribado at pampublikong sektor.
Sa Senate Bill no. 2082 na inihain ni Senador Francis Escudero, nais niyang itaas sa P43,030 ang sweldo ng mga dentista mula sa kasalukuyang P31,320 o salary grade 13.
Sinabi ng mambabatas na hirap makakuha ng dentista ang gobyerno para sa mga pampublikong ospital dahil sa napakababang pasweldo.
Tinukoy ni Escudero ang national database ng selected human resources for health, kung saan aabot lang sa 1,943 ang mga dentista na employed sa public sector hanggang noong December 2022, na nangangahulugang isang dentista ay nagsisilbi sa oral needs ng may 57,000 mga pilipino
Bukod sa dagdag na sweldo, isinusulong naman ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla ang dagdag na benepisyo sa lahat ng healthcare workers
Kasama na rito ang dagdag na P150 sa arawang sweldo ng mga medical frontliners.
Sa panukalang Kalusugan ang Prayoridad (KAP) ni Revilla, nais nya ring mabigyan sila ng 20% discount at malibre na sa pagbabayad ng value added tax (VAT) ang mga medical frontliners sa pagbili ng pneumococcal vaccines, essential medical supplies at iba pang accessories and equipment
Itoy bilang pagkilala sa kanilang ambag sa pagbibigay ng quality healthcare sa mga pilipino
Sakaling maging batas, sakop nito ang lahat ng medical administrative, technical support at iba pang personnel na nagtatrabaho sa lahat ng mga pagamutan.
Meanne Corvera