Taiwan hindi magpapadala ng delegasyon sa Beijing Olympics ceremonies
Inihayag ng sport governing body ng Taiwan, na hindi magpapadala ang bansa ng official delegation sa opening o closing ng Beijing Winter Olympics.
Sinabi ng Sports Administration ng Taiwan, na hindi dadalo ang kanilang 15-member delegation sa opening at closing ceremonies dahil sa ‘pandemic prevention at flight schedules.’
Ayon sa Sports Administration . .
“According to the event’s pandemic prevention and entry policy, flights have been adjusted and delayed, and not all could arrive in Beijing by the opening ceremony on Feb. 4.”
Ang maliit na winter team ng Taiwan na lilipad patungong China ay manggagaling sa Estados Unidos, Switzerland at Taiwan.