Taiwan nagsagawa na ng clearing operation matapos tamaan ng Bagyong Krathon
Sinimulan na ng Taiwan ang clearing operation mula sa pinsalang iniwan ng mga pagbaha at malalakas na hangin, makaraang maminsala ng Bagyong Krathon habang karamihan ay nagsibalik na sa trabaho at muli nang nagbukas ang financial markets.
Ang Bagyong Krathon, na ngayon ay ibinaba na sa tropical depression, ay nag-landfall sa southwestern port city ng Kaohsiung, na nagpabaha sa mga kalye, nagpalipad sa mga bintana ng ilang gusali at tumangay ng mga debris dulot ng napakalakas na bugso ng hangin.
A man cleans the flood inside his home after Typhoon Krathon made landfall in Kaohsiung, Taiwan October 3, 2024. REUTERS/Ann Wang
Bagama’t ang ibang bahagi ng Taiwan ay balik trabaho na ngayong araw, ang mga lokal na pamahalaan ng Kaohsiung at katabi nitong Pingtung county ay nagdeklara ng isa pang day off, ang ika-apat nang sunod-sunod na araw, upang alisin ang nagtumbahang mga puno at iba pang debris mula sa mga kalsada.
Hanggang ngayong Biyernes, ay wala pa ring suplay ng kuryente ang isangdaang libong mga bahay, na ang karamihan ay nasa Kaohsiung at Pingtung.
Samantala, iniulat naman ng fire department na dalawang lalaki ang namatay sa east coast bago pa man naglandfall ang bagyo, habang may isang nawawala at 667 ang nasaktan.
A man cleans the flood inside his store after Typhoon Krathon made landfall in Kaohsiung, Taiwan October 3, 2024. REUTERS/Ann Wang
Gumamit ng mga crane ang mga manggagawa para tanggalin ang mga natumbang puno at mga traffic sign sa Kaohsiung, isang lungsod na may 2.7 milyong populasyon, kung saan may ilang mga kalsada na naharangan kaya na-divert ang mga tsuper at pedestrians.
Ayon sa 49-anyos na si Clark Huang, “Sandbags didn’t work. The wind pressed the water in anyway. Fortunately it lasted only a couple of hours and then we started cleaning up.”
Sa kaniyang social media post, ay sinabi ni Kaohsiung Mayor Chen Chi-mai, “Some parts of the city got more rain than during the last storm, Typhoon Gaemi, in July. Given the long duration of the storm, coupled with the strong winds and heavy rain, the city government is doing its best to repair the damage.”
A person rides his bicycle on a flooded road after Typhoon Krathon made landfall in Kaohsiung, Taiwan October 3, 2024. REUTERS/Ann Wang
Kuwento naman ng isang 51-anyos na engineer na si Tsai Ming-an, na nilinis ang kaniyang bahay makaraang pasukin ng baha na aabot sa 20 sentimetro (7.8 pulgada), ang kabuuan ng kaniyang ground floor, “I have never seen winds like that. It was so bad.”
Samantala, muli nang binuksan ang north-south high speed rail line ng Taiwan, tulad ng karamihan sa mga ordinaryong ruta ng riles maliban sa dalawang branch lines, habang patuloy naman ang pagkagambala sa transportasyon sa himpapawid, kung saan 13 international at 85 domestic flights ang nakansela.
A view of water running down the stairs after Typhoon Krathon made landfall in Kaohsiung, Taiwan October 3, 2024. REUTERS/Ann Wang
Sa ulat ng transport ministry, “At Kaohsiung port, some freight containers were blown off their stacks and workers were clearing them to ensure operations went unaffected, but Kaohsiung airport suffered damage to two air bridges, while the airport on the outlying Orchid Island had landing aids washed away, though both facilities remained open.”
Sa kabilang dako, sinabi ng gobyerno ng Taiwan na iniimbestigahan na nito ang sanhi ng sunong sa isang ospital sa Pingtung na sumiklab habang nananalasa ang bagyo, at ikinamatay ng dalawa katao.