Taiwan rescuers tinatangkang iligtas ang mga na-trap sa nangyaring lindol
Patuloy ang pagtatangka ng Taiwan rescuers na mailigtas ang mga taong na-trap sa highway tunnels, nang simulan ng mga inhinyero ang isang ‘massive’ clear-up operation isang araw pagkatapos ng pinakamalakas na lindol na naranasan sa bansa sa nakalipas na maraming dekada.
Sampu katao na ang namatay at mahigit sa isanglibo ang nasaktan sa 7.4-magnitude na lindol, kung saan dose-dosenang mga residente sa siyudad na pinakamatinding naapektuhan, ang nagpalipas ng gabi sa labas sa halip na sa mga apartment na inuuga pa rin ng mga aftershock, at isang ‘massive’ engineering operation naman ang nagsasagawa ng pagsasaayos sa mga nasirang tulay.
Makikita sa inilabas na video ng Central Emergency Operation Center, ang pagkuha ng dalawang helicopter sa anim na minerong na-trap sa isang gypsum quarry sa Hualien county, malapit sa sentro ng lindol.
Daan-daang iba pa ang nananatili sa isang luxury hotel at youth activity center malapit sa Taroko National Park, kung saan ang mga kalsadang patungo rito ay kapwa naharangan ng landslides.
Sinabi ni Premier Chen Chien-jen makaraan ang isang briefing sa isang emergency operation centre sa Hualien, “I also hope that we can use today’s time to find all people who are stranded and unaccounted for and help them settle down.”
Ang isla ay niyanig ng mahigit sa 300 malalakas na aftershocks pagkatapos ng unang lindol, at nagbabala ang gobyerno sa publiko na bantayan ang landslides o pagkahulog ng mga bato kapag sila ay lumabas, kaugnay ng Qingming na isang dalawang araw na public holiday na nagsimula na kahapon, Huwebes.
Babala ni President Tsai Ing-wen sa isang late-night message, “Do not go to the mountains unless necessary.’“
Samantala, nakokontak naman ng mga awtoridad ang mahigit sa 600 kataong na-trap sa mga tunnel o nasa cut-off areas, ngunit hindi na nila makontak ang 42 iba pa, bagama’t naniniwala sila na ligtas ang mga ito.
Mahigit sa 100 katao ang piniling matulog sa mga tent sa labas, sa isang shelter na itinayo sa isang elementary school dahil sa nagpapatuloy na aftershocks.
Ayon sa Indonesian na si Hendri Sutrisno, isang propesor sa Donghua University, “Our worry is when the big aftershocks happen it might be really hard for us to evacuate one more time, especially with the baby.”
Siya at ang kaniyang asawa ay nagtago sa ilalim ng isang lamesa kasama ng kanilang sangool nang mangyari ang lindol, bago nila nilisan ang kanilang apartment.
Hindi pa nagbibigay ng pagtaya ang mga opisyal para sa isang national repair bill, ngunit ang mga operasyon sa pangunahing chip-making foundries sa Taiwan ay bahagyang naapektuhan.
Batay sa pahayag ng Taiwan Semiconductor Manufacturing Company, ang pinakamalaking chip maker sa mundo, “Overall tool recovery of our fabs (fabrication facilities) reached more than 70 percent within 10 hours of the earthquake, with new fabs such as the Fab 18 facility reaching more than 80 percent.”
Ayon naman sa state news agency ng China na Xinhua, “China was ‘paying close attention’ to the quake and willing to provide disaster relief assistance.”
Sa Washington, sinabi ng White House na handa ang Estados Unidos na magbigay ng “anumang kinakailangang tulong.”