Taiwan, sisiyasatin kung ang kagat ng daga ang nasa likod ng coronavirus infection
Inihayag ng Taiwan, na iniimbestigahan nila kung maaaring ang kagat ng daga ang responsable kung bakit nag-positibo sa coronavirus ang isang trabahador sa isang high-security laboratory.
Nagkukumahog ang mga health official, para alamin kung paano nakuha ng isang babaeng empleyado sa Academia Sinica, ang nangungunang research institute ng Taiwan, ang virus noong nakaraang buwan.
Kinumpirma ng health officials, na ang empleyadong nagpositibo ay dalawang ulit na nakagat ng daga na na-infect ng coronavirus.
Subali’t sinusubukan pa nilang alami kung iyon nga ang sanhi ng impeksiyon ng babaeng empleyado, o nakuha niya ito sa iba pang bahagi ng laboratoryo.
Ayon kay health minister Chen Shih-chung . . . “Whether it is from the workplace or community, we believe the possibility of infection from the workplace is higher because we have zero confirmed infections in the community. As for inside the workplace, whether it is in the office or laboratory, we determined the laboratory has a higher risk. But whether the infection is from the (mouse) bite or the environment, we need to investigate further.”
Ang nabanggit na babaeng lab worker ay walang recent travel history at dalawang beses nang nabakunahan ng Moderna. Ang Academia Sinica lab ang pangalawa sa may highest bio-safety security level.
Ang huling kumpirmadong lokal na kaso sa Taiwan ay noong November 5,
Halos 100 close contacts ng lab worker ang isinailalim sa tracing at pinag-quarantine. (AFP)