Taiwan tinamaan ng malakas na lindol
Isang 6.0-magnitude na lindol ang tumama ngayong Lunes sa silangang bahagi ng Taiwan, 38 kilometro sa timog ng Hualien city.
Wala namang immediate reports ng napinsala o nasaktan.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang lindol na tinatayang may lalim na 10 kilometro, ay tumama bandang 09:05 local time (0105 GMT).
Sinabi ng local media, na ang pagyanig ay naramdaman sa buong isla at maging sa Taipei.
Kuwento ng isang pasahero, sandaling huminto ang Taipei Metro habang lumilindol, at tumuloy sa mas mabagal na takbo.
Ayon naman sa Central Weather Bureau ng Taiwan, isang mas maliit na pagyanig ang tumama humigit-kumulang isang oras makalipas ang unang paglindol.
Ang Taiwan ay regular na tinatamaan ng mga lindol, dahil ang isla ay malapit sa intersection ng dalawang tectonic plates.
Ang isla ay hindi rin nagpapalabas ng tsunami warnings maliban kung ang lindol ay higit sa magnitude 7.0.
© Agence France-Presse