TAKBOLUSYON, muling isinagawa sa Bustos, Bulacan kasabay sa paggunita ng Bonifacio Day
Kasabay ng paggunita sa kaarawan ng ating bayani na si Gat Andres Bonifacio, ay muling isinagawa ang TAKBOLUSYON o Takbo para sa Edukasyon sa Bustos, Bulacan.
Layunin ng aktibidad na matulungan ang alyansa ng mga mag aaral na iskolar ng bayan, kung saan marami na ang mga nakapagtapos na ngayon ay mga ganap nang profesional teachers, engineers, accountant at iba pa, sa pangunguna ni Bustos Vice Mayor Arnel Mendoza.
Ayon kay Gerard de Leon, Legislative Researcher ng Sangguniang Bayan ng Bustos, Bulacan, ang ika-11 taon ng Takbolusyon ay nilahukan ng mahigit 500 mananakbo na kinabibilangan ng public school teachers, barangay officials, private sectors at mga estudyante mula sa group of runners ng iba’t-ibang bayan at siyudad.
Pinasalamatan naman ni Mendoza ang lahat ng lumahok sa naturang aktibidad.
Nori Fidel