Talamak na smuggling sa agri products, iimbestigahan ng Senado
Magko convene ang Senado bilang Committee of the whole para imbestigahan ang talamak na smuggling ng mga agricultural products.
Bunsod ito ng kabiguan ng Bureau of customs na solusyunan ang smuggling na pumapatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Sa kaniyang Privilege Speech sinabi ni Senate president Vicente Sotto na tila press release lang ang mga pahayag ng BOC hinggil sa mga nasasabat na high value agricultural products tulad ng bawang , sibuyas, carrots at iba pa.
Hindi kasi ito tumutugma sa mga naisasampang mga kaso sa korte at nagpapatuloy umano ang mga under the table operations para palusutin ang mga puslit na produkto.
Suportado ng mga Senador ang imbestigasyon pero nagkasagutan sina Senador Ronal Dela rosa at Richard Gordon.
Iginiit ni Gordon na marami nang naipasang batas laban sa smuggling dahil sa mga imbestigasyon ng Senado pero problema ang mga ahensyang nagpapatupad nito at tanggapan na nagsasampa ng kaso.
Isa sa tinukoy ni Gordon ang pagkaka dismiss ng mga kaso laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde at iba pang inakusahan na ninja cops dulot aniya ng mahinang kasong isinampa ng PNP-CIDG.
Hindi anila niluto ang kaso at nakita niya raw kung paano ipinursige ng PNP ang kaso bukod pa sa ang korte na ang umaksyon dito.
Meanne Corvera