Tamang pasahod kapag regular holiday ipinaalala ng DOLE
Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa ngayong araw, National Heroes Day.
Ayon sa DOLE, ang araw na ito ay deklarado bilang isang regular holiday.
Batay sa umiiral na patakaran, kung ang isang empleyado ay hindi pumasok ngayong araw siya ay dapat na tumanggap pa rin ng 100 porsyento ng kanyang suweldo para sa araw na ito.
Pero kung siya ay papasok, dapat tumanggap siya ng 200% ng kanyang suweldo at dagdag na 30% ng kanyang hourly rate kung lalagpas sa 8 oras na trabaho.
Kung natapat naman sa kanyang day off pero pumasok pa rin, bukod sa 200 porsyento dapat siya ay tumanggap ng dagdag pang 30% ng kanyang basic wage.
Kung lalagpas naman sa 8 oras ang trabaho nito, siya ay dapat tumanggap ng dagdag na 30 porsyento pa ng kanyang hourly rate sa araw na ito.
Madelyn Villar – Moratillo