Tambak ng basura , inanod sa dolomite beach matapos ang pananalasa ng bagyong Karding
Matapos ang pananalasa ng bagyong karding, sako sako ng basura ang iniwan naman nito Manila Bay Dolomite Beach.
Ayon sa MMDA, mula madaling araw ay nasa 400 sako na ng basura ang kanilang nakolekta.
Karamihan ng basura ay mga single use plastic, may mga tsinelas pa, Styrofoam, kahoy at iba pang basura.
Ang mga basura ay inanod umano galing sa Cavite, Malabon, Pasig river at iba pang kalapit lugar.
Ang mga nalilikom na basura ay hinahakot naman ng Manila LGU na silang nagtatapon ng basura.
Madelyn Villar – Moratillo
Please follow and like us: