Tanging mga Filipino, mga balikbayan, at may long-term visas lamang ang makapapasok sa Pilipinas mula sa mga bansang kasama sa yellow at green lists
Mga Filipino lamang, mga balikbayan at yaong may long-term visas ang maaaring makapasok sa bansa mula sa green- at yellow-list countries.
Gayunman, ayon sa Bureau of Immigration, kailangan pa rin nilang sumunod sa quarantine policies na umiiral para sa bawat list na ipinatutupad ng Bureau of Quarantine.
Samantala, tanging mga Filipino lamang na lulan ng government o non-government-initiated flights ang papayagang makapasok mula sa red-list countries.
Yaong mga hindi kabilang sa nabanggit na kategorya at direktang magmumula sa naturang mga lugar o galing sa mga lugar na ito 14 na araw bago dumating sa bansa, ay hindi papayagang makapasok.
Ayon sa kawanihan, ang sumusunod na mga bansa ang kabilang sa red list ng Pilipinas: Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland.
Kabilang naman sa green list ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, Chad, People’s Republic of China, Comoros, Ivory Coast, Democratic Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong, Indonesia, Japan, Kenya, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Morocco, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Sudan, Taiwan, Timor Leste, Togo, Uganda at ang United Arab Emirates.
Lahat naman ng mga bansang hindi nabanggit siyang kasama sa yellow list.