Tangkang pag-alis ng pondo ng NTF-ELCAC, haharangin ng mga Administration Senator
Haharangin ng mga Senador na kaalyado ng Administrasyon ang anumang tangkang tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, hindi siya namumulitika pero hindi aniya dapat idamay sa galit kay General Antonio Parlade ang programa sa Insurgency.
Sa kaniya aniya kasing 33 taong serbisyo sa Pambansang Pulisya, maraming pulis at sundalo na ang nagbuwis ng buhay sa pakikipagbakbakan sa mga rebeldeng komunista at ngayon lang unti- unting nagtatagumpay ang Gobyerno.
Tiniyak ni Dela Rosa na hindi sila papayag at dadaan masusing debate ang isyu bago matanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC.
Paalala ng Senador ang programa ng NTF-ELCAC ay buong Government approach dahil ang 16 billion sa 19 billion ng ahensya ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga eskwelahan, kalsada, sanitation facilities at pagpapailaw sa mga kalsada sa mga itinuturing na NPA infested areas.
Ito;y bilag pagpapakita ng suporta ng Gobyerno sa mga residente at hindi na mahikayat na makipag-alyansa sa mga Komunista.
Ang problema aniya sa Komunista ay mahigit 50 taon na at panahon nang masawata ito ng Gobyerno.
Tutol rin si Senador Christopher Bong Go sa planong pagtatanggal ng pondo dahil magdudulot ito ng pagkaantala sa anti-insurgency campaign.
Ayon kay Go, malaki ang nagawa ng mga programa ng NTF-ELCAC sa anti-insurgency campaign ng pamahalaan katunayang humina ang pwersa ng mga komunista at mas maraming sumuko sa gobyerno.
Meanne Corvera