Tangkang pagharang ng NPA sa foodaid delivery sa Leyte, napigil ng mga sundalo
Kinondena ng isang mataas na opisyal ng Philippine Army sa Eastern Visayas, ang plano ng New People’s Army (NPA) na harangin ang pamamahagi ng relief goods para sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa Abuyog, Leyte.
Sinabi ni Major General Edgardo De Leon, na isang grupo ng mga rebelde ang maglalagay na sana ng roadblock para harangin ang pamamahagi ng releif goods sa isang remote spot sa upland Katipunan village, nang magkaroon sila ng saglit na pakikipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng army.
Wala namang nasaktan sa puwersa ng pamahalaan, ngunit nakaiwan ng isang riple ang tumakas na mga rebelde, ganundin ng mga pagkain at personal na mga gamit sa encounter site.
Ayon kay De Leon . . . “Their action is intended to delay and disrupt our relief operations so those families waiting for relief goods, unaware of what’s happening, would have reason to complain and blame the government.”
Ang mga tropa ng 14th Infantry Battalion ng army ay nakaalerto sa upland communities ng Abuyog dahil sa mga nakalipas, ay tinangkang tambangan ng NPA combatants ang mga sundalong may dala ng food packs at Covid-19 vaccines patungo sa village.
Nadiskubre ng mga sundalo ang plano ng NPA bandang ala-6:00 ng gabi noong December 27 dahil sa tip ng isang impormante.
Ani De Leon . . . “According to the tipster, the terrorists’ plan is to establish road block, steal family food packs, and distribute it to residents of Katipunan village. They wanted to make it appear that it’s the NPA’s relief efforts.”
Ilan sa mga komunidad sa bayan ng Abuyog ay kabilang sa lubhang pininsala ng bagyong Odette.
Nangako ang opisyal na palakasin ang mga pagsisikap upang matiyak ang pagtugon ng gobyerno pagkatapos ng kalamidad.
Anuman aniyang pagkaantala sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ay maaaring maging isyu sa mga tao na nasa mahihinang komunidad upang magalit sa gobyerno.