Tanker na may kargang libo libong industrial fuel oil sa Mindoro, tuluyan ng lumubog
Iniulat ng Philippine Coast Guard na tuluyan ng lumubog ang MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, magtutulungan sila ng lokal na pamahalaan para malaman kung saan ang eksaktong nilubugan ng barko.
Pinag-aaralan din aniya nila kung paano makukuha ang 800 industrial fuel oil na sakay ng barko.
Sa pinakahuling monitoring ng BRP Melchora Aquino may humigit-kumulang anim na kilometrong haba at apat na kilometrong lawak ng Oil spillage na ang nakita sa katubigan ng Balingawan Point sa bayan ng Naujan.
Ayon sa PCG, kumuha na rin ng towage company ang RDC Reield Marines Services Inc. na may ari ng MT Princess Empress para tumulong.
Sa ngayon ay nagsasagawa na umano ng assessment ang Malayan towage para makita ang antas ng tumapong langis sa karagatan.
Madelyn Villar – Moratillo