Tao na na-infect ng bird flu, iniulat ng Ecuador
Iniulat ng Ecuador ang una nilang kaso ng taong nahawaan ng bird flu, ilang linggo makaraang ma-detect ang globally-spreading disease sa poultry farms sa South American country.
Sa isang pahayag ay sinabi ng health ministry, “The first case of influenza A-H5 (bird flu) was confirmed in a nine-year-old girl in the province of Bolivar, in the heart of the Andes. We presume that the infection was transmitted by direct contact with birds carrying the virus.”
Ang Ecuador ay nagdeklara ng isang 90-araw na health emergency noong November 30, matapos madiskubre ang outbreak ng avian influenza sa mga poultry farm sa Andean province ng Cotopaxi, na karatig ng Bolivar.
Binigyang-diin ng ministry, na sa ngayon ay wala nang iba pang human cases na napaulat.
Ang outbreak ng avian bird flu, na isang mabilis na kumakalat na virus sa mga manok ngunit bihirang matukoy sa mga tao, ay na-detect sa maraming kontinente, na nagbunsod upang ipag-utos ng mga awtoridad na lipulin ang milyun-milyong mga manok at pabo sa buong mundo.
Ang poultry sector sa Ecuador ay binubuo ng tinatayang 263 milyong mga manok at 16 na milyong inahing manok. Bawat taon, kumikita ito ng nasa $1.8 bilyon para sa 300,000 mga trabaho.
© Agence France-Presse