Target na maging fully vaccinated na ang 90 milyong katao sa June 30, malabo pa – NVOC
Aminado ang National Vaccination Operations Center (NVOC), na malamang na hindi maabot ang target na maging fully vaccinated na ang may 90 milyong Filipino pagdating ng June 30.
Sa isang public hearing, sinabi ni NVOC head at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maaaring hindi nila maabot ang goal sa pagtatapos ng Duterte administration.
Aniya . . . “It’s difficult. We are first to admit that.”
Idinagdag pa ni Cabotaje na nakapokus sila ngayon sa unang goal na ganap na mabakunahan ang may 77 milyong Filipino, na nangangahulugang kailangan nilang makapagbakuna ng 900,000 bawat araw.
Batay sa datos hanggang noong April 18, mayroon nang 67 milyong fully vaccinated individuals habang 12.7 milyon lamang ang nakapagpa-booster shot na.
Ayon kay Cabotaje . . . “We are now on the last mile (of vaccination). It’s really hard to cover one-third of the population. Many people are not yet convinced to get the jabs while others are located in remote areas of the country.
Aniya . . . “We are scaling up our house-to-house vaccination strategy. We are focused on areas with low coverage. We are working closely with the Department of the Interior and Local Government and local government units.”
Umaasa si Cabotaje, na makapagpu-full blast na sila sa kanilang vaccination activities sa nalalabi pang mga araw ng Abril at sa Mayo at Hunyo.
Sinabi naman ng Department of Health (DOH), na ang guidelines para sa pagbibigay ng ikalawang booster shots laban sa COVID-19 ay maaaring lumabas na sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na nagrerepaso sa second booster dosing para sa eligible sectors.
Wika ni Vergerie . . . “We have not issued any guidelines yet…This has to go through the process of HTAC and that is what we are waiting for,” she noted in an interview with One News’ “The Chiefs.”
Dagdag pa nito, nangako ang HTAC na ang rekomendasyon nito para sa immunocompromised individuals ay ilalabas sa loob ng linggong ito.
Gayunman, nais ng DOH na ang rekomendasyon para sa lahat ng eligible recipients ay maisabay na ring ilabas upang hindi masyadong maging mahirap ang operasyon.
Batay sa amended emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccines, ang ikalawang booster ay ibibigay sa senior citizens, immunocompromised at frontline health care workers.
Nakasaad sa EUA na lahat ng COVID-19 vaccines ay maaaring gamitin bilang ikalawang booster maliban sa Sputnik V vaccine ng Gamaleya ng Russia.
Sinabi ng opisyal na ang pagbibigay ng ikalawang booster ay magsisimula sa sandaling lumabas na ang guidelines.