Target population para maabot ang herd immunity, pinataasan ng Health experts
Sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19, naniniwala ang ilang eksperto na dapat taasan ng gobyerno ang target nitong mabakunahan upang maabot ang herd immunity.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel, kailangan mabakunahan ang lahat at mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.
Inihalimbawa ni Solante ang Estados Unidos na itaas sa 100% ng kanilang populasyon ang target bakunahan para maabot ang herd immunity.
Pero kahit iminungkahi nilang itaas ang target mabakunahan, nananatiling prayoridad parin muna ang mga nakatatanda at health workers.
Paliwanag ni Solante, mababa pa naman ang kaso ng Covid 19 infection sa mga bata kumpara sa mas matatanda.
Mas maselan din aniya ang mga bata dahil mas prone sila sa adverse reaction.
Hanggang nitong Hulyo 26, may mahigit 2.8 milyong senior citizen na ang nakatanggap ng unang dose ng Covid 19 vaccine habang mahigit 1.6 milyon naman ang fully vaccinated na.
Pero ang bilang na ito, malayo pa sa 8.2 milyong senior citizen na target mabakunahan kontra Covid-19.
Madz Moratillo