Target population para sa anti COVID-19 vaccine sa bansa itinaas na ng Malakanyang sa 90 – 100 percent
Itinaas na ng Malakanyang sa 90 hanggang 100 percent ang target population sa bansa na babakunahan laban sa COVID-19.
Sinabi ni Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega na dahil sa paninagong mutation ng COVID-19 na Omicron variant kilangang itaas sa 90 hanggang 100 percent na ang target population na babakunahan mula sa dating 70 percent.
Ayon kay Vega, kailangang itaas ang target population na babakunahan para masigurong makakamit ang population protection o kaya ay herd immunity laban sa pandemya ng COVID -19 sa bansa.
Inihayag ni Vega na batay sa anti COVID-19 vaccine inventory mayroong sapat supply ng bakuna ang bansa dahil pumapasok na ang mga inorder na bakuna na binili ng gobyerno at pribadong sektor maliban sa donasyon ng COVAX facility ng World Health Organization o WHO.
Vic Somintac