Tarlac kinilalang Hall of Famer sa 2020 National Search for Best Public Employment Service Office
Personal na pinasalamatan ni Tarlac Governor Susan Yap ang Department of Labor and Employment o DOLE Tarlac, sa pagkilala sa lalawigan bilang Hall of Famer sa 2020 National Search para sa best Public Employment Service Office (PESO).
Ayon kay Yap, ang kilalanin ng nasabing ahensiya ang lalawigan na kaniyang pinamumunuan ay isang malaking karangalan.
Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Yap ang mga programang inilunsad ng PESO.
Nangako rin ang opisyal na sisikapin ng pamahalaang panlalawigan, na mas narami pang mga Tarlakeñio ang mabigyan ng pangkabuhayan sa darating pang mga araw, laluna ngayong patuloy na nararanasan ang pandemya sa buong bansa.
Samantala, malugod na ibinalita ni Yap na nagkaloob ng 4 na milyong piso ang DOLE, para sa programa nitong “Free Bisikleta Panghanapbuhay.”
Nasa 200 Tarlakeños na pumasa sa training ang nabiyayaan ng bisikleta.
Ang Free Bisileta Program ay naglalayong matulungan ang mga Tarlakeño sa kanilang Pangkabuhayan.
Hinikayat naman ng gobernadora ang mga nabiyayaan ng libreng bisikleta, na pasukin ang delivery business, dahil isa itong malaking oportunidad sa ikabubuhay ng bawat pamilya.
Ulat ni Rizza Castro