Tatlo patay dulot ng Tropical Storm Bonnie sa Central America, na naging isa nang hurricane
Inihayag ng US National Hurricane Center(NHC), na ang Tropical Storm Bonnie ay na-upgrade na sa kategoryang unos (hurricane) nitong Linggo habang nananalasa patungong Mexico, na ikinasawi ng tatlo katao sa El Salvador.
The hurricane, the third of the season off Mexico’s coast, is carrying maximum sustained winds of 80 miles (125 kilometers) per hour “with higher gusts,” the NHC said, citing satellite images.
Banggit ang satellite image, sinabi ng NHC, na ang unos na pangatlo na ng season sa baybayin ng Mexico, ay may maximum sustained winds na 80 milya (125 kilometro) kada oras na may mas mataas na pagbugso.
Nakasaad sa pinakahuling advisory ng NHC . . . “The core of Bonnie is expected to remain south of, but move parallel to, the coast of southern and southwestern Mexico during the next couple of days.”
Bago kumilos patungong Mexico, ang bagyo ay puminsala ng mga ari-arian sa Central American countries ng El Salvador at Nicaragua, nagpatumba ng mga puno, nagdulot ng pagbaha sa mga kalsada at mga ospital at nagpaapaw sa mga ilog.
Ayon sa emergency services, isang 24-anyosna babae ang nasawi sa El Salvador, habang sinabi naman ng army sa Nicaragua na isang 40-anyos na lalaki ang tinangay habang tinatangka nitong tumawid sa isang ilog, at isang 38-anyos na lalaki naman ang namatay din habang tinatangkang iligtas ang mga pasahero mula sa isang bus.
Sinabi ng civil protection agency ng El Salvador, na hanggang kagabi ay hinahanap pa ng rescuers ang isang lalaking nawawala, at magpapatuloy ito hanggang ngayong Lunes.
Ayon sa environment ministry . . . “Bonnie generated very heavy rains and thunderstorms in the coastal area, the volcanic mountain range and the San Salvador metropolitan area, with strong gusty winds and hail in some areas.”
Ipinasuspinde na ni El Salvador President Nayib Bukele ang lahat ng klase ngayong Lunes.
© Agence France-Presse