Tatlo patay sa Israeli strike sa West Bank refugee camp

AFP

Tatlo katao ang namatay at ilan pa ang nasugatan, sa Israeli strike malapit sa Jenin refugee camp sa West Bank, batay sa report ng Palestinian media.

Ayon sa WAFA report, “An Israeli plane fired at least two missiles towards a group of people near Jenin camp, killing three people and wounding several others.”

Sinabi naman ng Israeli military sa isang pahayag na nagsagawa sila ng “counterterrorism activities” sa lugar, ngunit walang binanggit tungkol sa casualties.

Ayon sa pahayag, tumugon ito sa isang pag-atake mula sa tinatawag nilang “armed terrorists,” na nagpakawala ng explosive devices sa Israeli security forces.

Bilang sagot, pinatamaan ng isa sa kanilang attack drones ang mga terorista at natukoy ang tinamaan nito.

“No injuries to Israeli security forces were reported.”

Sinabi ng UN humanitarian agency na OCHA, na hindi bababa sa 95 Palestinians na ang napapatay sa West Bank simula nang magdeklara ng giyera ang Israel sa Hamas sa Gaza sa unang bahagi ng buwang ito.

Sumiklab ang giyera matapos sumalakay ng mga militante mula sa Palestinian Islamist movement sa buong Gaza border noong October 7, na ayon sa Israeli officials ay ikinasawi ng higit sa 1,400 katao.

Binihag din ng mga ito ang mahigit sa 220 hostages sa pinakamalalang pag-atake sa kasaysayan ng Israel, na nagtulak upang magsagawa sila ng sunod-sunod na pambobomba sa coastal Palestinian territory, na ayon sa Hamas rulers ng Gaza ay ikinasawi na ng 5,791 katao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *