Tatlo patay sa misteryosong pneumonia sa Argentina
Inihayag ng mga awtoridad pangkalusugan sa Argentina, na tatlo katao na ang namamatay dahil sa isang uri ng pneumonia na hindi alam ang pinagmulan, at ang mga nasawi ay mula sa iisang klinika.
Sinabi ni Tucuman health minister Luis Median Ruiz, na siyam katao sa northwestern Tucuman province ang nagkaroon ng isang misteryosong respiratory illness, kabilang ang walong medical staff sa isang pribadong klinika.
Simula pa noong Lunes ay tatlo na ang namatay, dalawa rito ay health personnel.
Nagsasagawa na ng mga pagsusuri ang mga awtoridad ngunit sinabi ni Medina na isinasantabi na nila ang Covid-19, trangkaso, influenza type A at B, ang legionella bacterial disease at ang hantavirus na kumakalat sa pamamagitan ng mga daga.
Ang mga sample ay ipinadala na sa Malbran Institute sa Buenos Aires.
Ang unang biktima na nasawi noong Lunes ay isang health personnel sa klinika, sinundan ito ng ikalawang biktima dalawang araw makalipas. Ang huling nasawi ay isang 70-anyos na babae na ipinasok sa klinika para sana operahan.
Ang unang anim na pasyente ay nagsimulang magpakita ng mga sintomas sa pagitan ng August 18 at 23.
Ayon kay Medina, “The patients were struck with ‘a severe respiratory condition with bilateral pneumonia’ very similar to Covid.”
Kabilang sa mga sintomas ang pagsusuka, mataas na lagnat, diarrhea at pananakit ng katawan.
Sa anim kataong ginamot, apat ang malubha ang lagay sa ospital at dalawa naman ang naka-isolate sa kanilang bahay. Mino-monitor na rin ang lahat ng staff sa klinika.
Inaanalisa na rin ng mga eksperto ang tubig at air conditioners para sa posibleng kontaminasyon o pagkalason.
Sinabi ng provincial health ministry, “The outbreak could have come from an infectious agent, but investigators were not excluding toxic or environmental causes.”
Ayon kay infectious disease specialist Mario Raya, “For the moment, we have no cases outside the stricken clinic.”
Dagdag naman ni Hector Sale, presidente ng Tucuman provincial medical college, “We are not dealing with a disease that causes person-to-person transmission as no cases have been identified among close contacts of any of the patients.”
© Agence France-Presse