Tatlo patay sa pamamaril sa Canada
Dalawa katao ang napatay ng gunman at sinugatan ang dalawang iba pa sa serye ng pamamaril malapit sa Vancouver, bago siya binaril patay ng mga pulis.
Iminumungkahi ng mga naunang ulat na maaaring ang mga homeless ang target ng gunman, ngunit hindi naman ito agad na kinumpirma ng mga awtoridad sa Langley, isang bayan na may 130,000 katao at humigit-kumulang isang oras ang layo sa timogsilangan ng Vancouver.
Ayon kay Langley police chief Ghalib Bhayani . . . “I can confirm that four people were shot by what is believed to be a lone gunman. Two of the victims died, while a third — a woman — remained in critical condition, and a fourth person was shot in the leg.”
Sinabi ni Bhayani na inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga biktima at sa suspek at kung may koneksyon sa pagitan ng mga ito.
Ayon naman kay homicide investigator David Lee . . . “Right now we’re determining the exact nature of who these people are and we aren’t able to confirm that they are in fact homeless.”
Wala pang tatlong porsiyento ng lahat ng mararahas na krimen sa Canada ay firearms-related, ngunit mula noong 2009 ang per capita rate ng mga baril na pinaputok na may intensiyong pumatay o makasugat ay tumaas ng limang beses.
Kasunod ng serye ng mass shootings sa katabi nitong Estados Unidos, inanunsiyo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang isang panukala na i-freeze ang handgun ownership na epektibong magbabawal sa importasyon at bentahan nito.
Ipinagbawal ng Canada ang 1,500 uri ng military-grade o assault-style firearms noong May 2020, ilang araw matapos maranasan ng bansa ang pinakamalalang mass shooting na ikinasawi ng 23 sa rural Nova Scotia.
© Agence France-Presse