Tatlong dating supreme court chief justices, inimbitahan ng senado para sa ikinakasang Charter Change
Inimbitahan na ng senado ang mga framers ng konstitusyon kabilang na
ang tatlong dating Chief Justice ng Korte Suprema para hingan ng
opinsyon sa panukalanag pag amyenda sa saligang batas o Charter
Change.
Kabilang sa mga inimbitahanng resource person ng committee on
constitutional amendments sina dating Chief Justice Reynato Puno,
Hilario Davide Jr., at Artermio Panganiban.
Ipinatawag rin ng senado ang mga dating miyembro ng 1986
Constitutional Commission, mga miyembro ng akademiya at ibat-ibang
sektor ng lipunan.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite, aalamin nila
kung may pangangailangan ba na amyendahan ang saligang batas at anong
mga probisyon ang kailangan nang baguhin.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===