Tatlong Filipino-Americans, itinalaga ni US President Joe Biden sa isang panel
Tatlong Filipino-Americans ang itinalaga ni US President Joe Biden sa kaniyang advisory commission on Asian Americans, Native Hawaiians, and Pacific Islanders.
Sa isang pahayag ay sinabi ng White House, na ang nabanggit na advisory body ang magpapayo kay Biden tungkol “sa mga paraan kung paano maaaring magtulungan ang publiko, pribado at non-profit sector upang isulong ang katarungan at oportunidad para sa bawat Asian American, Native Hawaiian, at Pacific Islander (AANHPI) community.”
Ang tatlo ay sina Dr. Amefil Agbayani, Teresita Batayola at Luisa Blue.
Nakasaad sa pahayag na ipinalabas ng White house na si Dr. Amefil (Amy) Agbayani ay isang Emeritus Assistant Vice Chancellor para sa student diversity and equity, University of Hawai’i sa Manoa.
Si Agbayani ay isinilang sa Pilipinas at nag-aral sa University of the Philippines, East-West Center at University of Hawai’i.
Ayon sa White House . . . “She is a former chair of the Hawai’i Civil Rights Commission, conducts research on AANHPI in higher education, member of the Patsy T.Mink PAC and The Legal Clinic for immigrant justice Hawai’i.”
Naitalaga rin sa komisyon ang International Community Health Services (ICHS) CEO na si Teresita Batayola.
Pahayag ng White House . . . “ ICHS is Washington state’s largest Asian and Pacific Islander non-profit health center providing comprehensive health care to all those who need affordable care, especially immigrants and refugees, and Batayola is an advocate for health care access, equity, and addressing social determinants of health.”
Noong 2019, si Batayola ay pinagkalooban ng 100 Most Influential Filipina Women in the World Award, na iprinisinta ng Women’s Network sa Paris, France.
Ang ikatlong Filipina na itinalaga sa komisyon ay si Luisa Blue, na nagretiro na mula sa Service Employees International Union (SEIU) noong isang taon, matapos magsilbi bilang executive vice president sa loob ng apat na taon. Isa siya sa highest-ranking AAPI officials sa labor movement.
Batay sa SEIU website, si Blue ay kinikilala bilang isa sa “100 Most Influential Filipina Women in the World” noong 2015, kaparehong pagkilala na tinanggap ni Batayola apat na taon pagkatapos ni Blue.
Ayon sa White House . . . “Luisa continues to be active in the community and serves on the Asian Health Services Community Board, a Trustee on Alameda County Health Systems Board of Trustees, and Vice President of the AAPI Victory Alliance Board.”
Bilang karagdagan sa pagsusulong ng pantay na pagkakataon para sa komunidad ng AANHPI, sinabi ng White House na ang komisyon ay “inaatasan ding magpayo sa pangulo tungkol sa mga patakaran upang tugunan ang anti-Asian xenophobia at karahasan.”
Matatandaan na tumaas ang insidente ng anti-Asian attacks sa US kasabay ng pagkalat ng COVID-19 noong nakaraang taon.
Sa kanilang September report, ang Stop AAPI Hate, isang American coalition na nagtatala at rumeresponde sa “racially motivated hate crimes” laban sa minority groups, ay may nasubaybayang 10,370 mga pag-atake laban sa AAPI persons mula nang mag-umpisa ang pandemya. (AFP)