Tatlong Islamic Jihad leaders, napatay sa Israeli strikes sa Gaza
Palestinian Islamic Jihad members gather near a damaged house after an Israeli airstrike in Rafah refugee camp, southern Gaza Strip, Palestinian Territories on May 9, 2023. (Photo by SAID KHATIB / AFP)
Inihayag ng Israeli army na napatay nila ang tatlong lider ng Islamic Jihad militant group sa air strikes sa Gaza, na nag-iwan ng dose-dosenang namatay ayon sa health ministry sa Hamas-controlled Palestinian territory.
Ayon sa ministry, kabilang sa mga nasawi ay mga babae at bata, at naglathala sila ng isang talaan ng mga pangalan nang walang kasamang edad o detalye man ng anumang affiliations.
Sa pahayag ng Israeli army, sinabi nito na tinarget nila ang tatlong lider ng Islamic Jihad, na ikinukonsidera nilang isang terrorist organization, at tinamaan nila ang lugar na gawaan ng armas na pagmamay-ari ng grupo.
Sinabi ni Army spokesman Richard Hecht, “The force ‘achieved what we wanted to achieve’ in the overnight strikes, which involved 40 aircraft.”
Kinumpirma ng militanteng grupo na tatlong senior officials nila ang napatay, kung saan tinukoy nila ang mga ito na sina Jihad Ghannam, secretary ng Al-Quds Brigades military council, at Khalil al-Bahtini, na kabilang din sa council at kumander ng military wing sa northern Gaza.
Ang ikatlo, na si Tareq Ezzedine, ay inilarawan ng Islamic Jihad bilang “isa sa pinuno ng military action” sa occupied West Bank na nago-operate mula sa Gaza.
Sa pahayag ng Islamic Jihad ay nakasaad, “We mourn the leaders and their wives and a number of their children who were killed in a cowardly Zionist crime. We vow that ‘the blood of martyrs will increase (the) resolve’ of the movement.”
Ang operasyon ay naganap wala pang isang linggo makaraang i-anunsiyo ng Islamic Jihad ang tigil-putukan sa paligid ng Gaza sa tulong ng Egypt, kasunod ng pagsiklab ng karahasan matapos masawi habang nasa kustodiya ng Israel, ang isang hunger striker na may kaugnayan sa militanteng grupo.
Nitong Martes, ay sinabi ng Islamic Jihad, “Israel had ‘scorned all the initiatives of mediators’ so we will ‘venge the leaders’ killed in the latest air strikes.”
Sa hiwalay na mga pahayag kung saan nakadetalye ang bawat isa sa Islamic Jihad leaders na napatay, iprinisinta ng militar si Ghannan bilang “isa sa pinaka senior member ng organisasyon” na siyang namamahala sa paglilipat ng mga armas at salapi sa pagitan ng grupo at ng Hamas.
Ayon sa Israel, si Bahtini ay “responsable para sa rocket fire sa Israel sa nakalipas na buwan.”
Si Ezzedine naman ang kamakailan ay “nagplano at nag-atas ng maraming pag-atake laban sa mga sibilyan ng Israel” sa West Bank, kung saan siya nagmula, na okupado na ng Israel simula sa Six-Day War noong 1967.
Ayon sa army, siya ay sinentensiyahan ng Israel ng 25 taong pagkakabilanggo para sa kaniyang pagkakasangkot sa suicide attacks noong 2000s, bago pinalaya sa isang palitan ng bilanggo noong 2011 at inilipat sa Gaza.
Sinabi naman ng isang source ng Islamic Jihad, na si Ezzedine ay bahagi ng isang delegasyon mula sa grupo na bibiyahe na sana patungong Cairo, kabisera ng Egypt para sa gaganaping pulong sa Huwebes, na kinansela sa harap ng mga nangyaring air strikes.
Sinabi ni Hecht, “the military was ‘looking where this thing will develop,” with the army instructing Israeli residents within 40 kilometers (25 miles) of the Gaza border to stay near bomb shelters until Wednesday evening.”
Sa isang pahayag, ay sinabi ni Hamas chief Ismail Haniyeh, “assassinating the leadership in a treacherous operation will not bring security to the occupier, but instead greater resistance.”
Nagbabala naman ang tagapagsalita ng militanteng grupo na si Hazem Qassem, at sinabing “Israel ‘bears responsibility’ for the repercussions of this escalation.”
Ang mga militante ng Israel at Gaza ay marami nang digmaang pinaglabanan simula nang kontrolin ng Hamas ang Palestinian enclave noong 2007.
© Agence France-Presse