Tatlong komite sa Senado inialok na pamunuan ni dating Senate President Koko Pimentel

Tatlong komite sa Senado ang maaring pamunuan ng napatalsik na si dating Senate President Aquilino Koko Pimentel.

Naitalaga na si Pimentel bilang chairman ng Senate committee on Trade and Entrepreneurship na dating pinamunuan ni bagong Majority Floor leader Juan Miguel Zubiri at miyembro ng Commission on Appointment.

Pero ayon kay Senate President Vicente Sotto, i-aalok rin kay Pimentel ang Senate Ethics committee na kaniyang pinamunuan.

Bilang dating Senate President at isang abugado, may kakayahan ito na dinggin ang mga reklamo na inihain laban sa mga kapwa Senador.

Sa kasalukuyan, may apat na ethics complaint pa na nakapending sa komite.

Kinabibilangan ito ng reklamo laban kay Senators Risa Hontiveros na isinampa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaso laban kay Senador Richard Gordon na inihain ni Senador Antonio Trillanes at dalawang reklamo laban kay Trillanes na isinampa naman ni Gordon at Atty. Abelardo de Jesus.

Kasama rin sa inialok kay Pimentel ang Joint congressional committee on electoral system.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *