Tatlong testigo sa pagpatay ni Kian Lloyd delos Santos, isinailalim na sa protective custody ng Senado

Isinailalim na sa protective custody ng Senado ang tatlong testigo sa pagpatay sa disi siete anyos na si Kian Lloyd delos Santos.

Hindi pinangalanan ang mga testigo na dalawa ay parehong menor de edad na 13 at 16 anyos habang ang isa ay 31.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kahit nasa kustodiya na ng Senado.

Hindi pa nakukuhanan ng testimonya ang tatlo.

Kinakailangan pang makuha muna ang authorization letter ng ina ng 13 anyos na testigo na kasalukuyang nagtatrabaho sa Oman.

Nagtungo kahapon sa Senado ang tatlo pero hindi natuloy ang pagkuha ng testimonya sa executive session.

Sabi ni Lacson bagaman nakuha na nila ang mga importanteng detalye sa hearing kahapon, kailangang makuha ang pahayag ng mga testigo para sa magiging rekomendasyon at pagbalangkas ng batas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *