Tatlong tindahan ng paputok, inisyuhan ng Notice of violation ng DTI
Tatlong tindahan ng paputok sa Bocaue Bulacan ang inisyuhan ng Notice of violation ng Department of Trade and Industry.
Sa inspeksyon kanina ng mga opisyal at tauhan ng DTI at PNP bulacan, nadiskubre na ilang paputok at fireworks ang ibinebenta kahit walang lisensya.
Kabilang na sa inisyuhan ng Notice of violation ang Seg sabel fireworks, Rp sayo – fireworks at SR castillo fireworks.
Nakumpiska sa tatlong tindahan ang siyam na brand ng lusis, paputok at mga fireworks na walang p-s mark, wala sa listahan ng fireworks na pinapayagan ng DTI, walang lisensya at walang nakalagay na pangalan ng manufacturer.
Ayon kay DTI ASEC Atty Ann Claire Cabochan, bibigyan ng 48 oras ang mga tindahan at manufacturers para magpaliwanag bago isampa ang kaso sa korte.
Tiniyak naman ng PNP na tutulong sila sa DTI para hindi maibalik sa merkado ang mga nakumpiskang mga paputok at fireworks.
Batay rin aniya sa kanilang pag iinspeksyon wala silang nakitang mga iligal at malalakas na paputok na ibinebenta sa merkado.
Meanne Corvera