Tatum nagpasabog ng 54 points, Nets tinalo ng Celtics

Jayson Tatum of the Boston Celtics drives to the basket past Nic Claxton of the Brooklyn Nets during a game at the TD Garden on March 6, 2022 in Boston, Massachusetts.
Adam Glanzman / Getty Images / AFP

Nagpasabog ng 54 points si Jayson Tatum, habang nilambat naman ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa score na 123-117, nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Dahil sa naturang performance ng 24-anyos na si Tatum, tie na siya ngayon sa franchise record ng Celtics legend na si Larry Bird, na apat na career 50-point performances.

Ang panalo ay ika-14 na ng Celtics, na naging daan para sila ay maging fifth place sa NBA Eastern Conference standings na may 39 wins at 27 losses.


Ayon kay Tatum . . . “This is what I dreamed about as a kid. I worked my whole life to get here. Obviously I have a long way to go before I accomplish what I want to accomplish, but I’m staying in the moment and enjoying it, doing what I love every day.”

Samantala, natapos si Kevin Durant na may 37 points para sa Nets habang nag-ambag naman ng 19-points ang dating Celtics player na si Kyrie Irving.

Naging produktibo ang laro ng Boston dahil sa balanseng opensiba, kung saan lahat ng five starters ay nagposte ng double-digit points tallies.

Si Jaylen Brown ay nagdagdag ng 21 points habang si Marcus Smart ay natapos na may 14. ang 13 points ni Al Horfordng at 10 points ni Robert Williams III ang kumumpleto sa bulto ng score para sa hosts.

Sa simula ay agad na lumamang ng 5-points ang Brooklyn matapos ang 1st quarter, at muling nakalamang ng siyam na puntos sa third quarter.

Subali’t bumira ang Boston, at salamat sa isang 18-point fourth quarter haul mula kay Tatum na sumelyo sa tagumpay sa isang laro na 28 ulit na nagpalit ang nangunguna.

Ani Tatum . . . “It’s fun the way we’re playing. Obviously we’ve been on a good stretch. We’re just having fun competing. It wasn’t always pretty today but everyone contributed and we just figured it out. And those are the best wins — when you just figure it out, find a way to win whatever it takes. And that’s what we did.”

Please follow and like us: